Archive for May 7, 2010

Peace!! x)

Yea. peace dudes!

Sa totoo lang, bumibisita lang ako.. Nakakamiss kasing makakita ng brown na blog. Puro puti kasi ang nakikita ko sa kwartong kinalagyan ko ng mahigit isang buwan! Habang iniiko tikot ang buhok at sumisigaw ng “Hindi ako baliw!!” Biruin nyo yun? Buti nga at nakakakanta pa ko kahit sigaw ako ng sigaw.

Wag kayong maingay ha.. Mahirap sa mental! Kaya kung ako sa inyo wag nyo na subukang magpakabaliw! O magaral sa isang eskwelahang puro genius! O di kaya isipin ang research! O isipin ang Math.. Promise. Haha. ;) )

Pasensya ha.. takas lang ako kanina. Sawa na ko dun. Hahaha, tawa na lang ako ng tawa dito habang walang magawa. Namimiss ko na talga ang internet. Naka hiatus tuloy ako sa lahat! I miss Teentalk. T.T

Goodness. Hindi nyo gugustuhing mawalan ng internet sa bahay! Well, hindi naman talaga. Pang asar kasi sila. May internet naman. At sa dinadami dami ng Desktop dito at laptop e yung akin lang ang wala! Anong akala nila? Magtitiis ako sa internet shop na nasa labas lang ng pintuan ng bahay? NO WAY. Hahaha! :) )) Ang yabang ko tuloy, e kasi naman, ayoko ng usok. Hindi ako makahinga.

Mukha akong ewan kanina, kung ano nao iniisip ko. ganun pa rin, Random pa rin. Tapos inabot ako ng halos limang minuto sa paghahanap ng popindutin kung pano mag post ditol. ahaha. ;) )

Wala namang sigurong makakabasa nito diba? Siguro after 1 century pa. pag lahat ng tao ay nakatira na sa space dahil puro basura na ang earth. E sino ba naman asking kapwa ko baliw ang bibisita sa isang blog na hindi man lang ginalaw ng ilang buwan? Well congrats! ipagdadasal kita. Haha.

Kamusta ang bakasyon ko? WALA! Walang bakabakasyon kapag walng internet. Nakakainis talaga!! Wala nakong ginawa sa bahay kundi tumitig sa orasan habang hinihintay na maging abo ito. O diba! Nagbreak lang ako ngayon. Nakakapagod e. Haha.

Maniniwala ka bang ang hangarin ko sa pagsusulat nito ay world peace? At ginawa ko itong post na ito para hindi mo basahin kundi kainin? Well yan alam mo na. Kaya may kasalanan ka sakin! Hindimo to dapat binabasa! HAHA :) )

Hindi na talaga gumagana ang utak ko ngayon. Nakakainis. Ang kaya ko na lang ata ngayong tama e kumanta, at magbasa.

Well, may advantage nga rin pala itong boring na buhay. Natutunan kong bumalik sa libro. Waha. sa sobrang ubos na lahat ng librong gusto kong basahin e pati ’501 Science Experiment’ at ‘Webster’s encyclopdic Dictionary’ hindi ko pinatawad. Hulaan nyo anong ginawa ko. syempre hindi binasa. E hindi nga maabsorb ng utak ko e. HAHA>:))

Gusto ko nang magpasukan. Para maexcercise ulit utak ko. para gumana ulit at hindi puro kabaliwan. Syempre para rin akong ibang tao jan, pag school days : Gusto ko nang magsummer! pag summer: Ang init! Sana magpasukan na!

at sure ako, ikaw rin. Haha. ;) )

ang gusto ko lang naman sa June ay dahil birthday ko na. At ang gusto ko lang sa pasukan ay makaalam ng bagong kaalaman sa science! At makasilay kay Kras. Oops. sorry wala ako nun. Haha. :) ) Ang crush koay ang nag iisa kong asawang si Ikuta Toma. UMANGAL PASLANG! LOl.

Okay. Ayoko nang guluhin buhay nyo. namimiss ko lang magtype ng kabaliwan kaya ito, kahit walang sense, nagpost pa rin. Uy! World peace ha? LOL! :) ) Tawa nalang kayo. Wag lang sobra, at wag din kakalimutang uminom ng gamot! Baka magaya sakin. haha. ;) )

Na wala nang ginawa kundi kumanta at tumutgtog ng kung anong pwedeng tugtugin. pati lamesa! HAha. ;) ) Pwede na rin tumitig sa orasan at hintaying matunaw at titigan at kalkulahin ang speed ng dagang tumatawid sa wire ng kuryente.

eto na naman ako. Aalis na ko ha? :] Nakasuper surf lang ako, at paexpire na sya! Thank you Globe! Haha. ;]]

jesus Bless sa inyong lahat! Wag kalimutang tumawa, ngumiti at magpray. Wag rin kalimutang kumain ng dinner mamayang gabi at kumain ng gatas para tumangkad at kuminis ang balat! HAHA.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.